@FilipinoFood on Twitter since 2008       

Barkilyos

Philippine Barquillos

From the Spanish word barquillos, meaning “wafer rolls” or “rolled wafers.”

MGA SANGKAP

3/4 na tasang gatas
5 pula ng itlog
1/4 tasang binithay na harina
Asukal pampalasa
Balat ng kalamansi

PARAAN NG PAGGAWA

  • Ihalo sa gatas ang pula ng itlog na bahagyang binati.
  • Idagdag ang tinimplang ito sa harina para makagawa ng pinong timpla ng harina.
  • Idagdag ang asukal at pinulbos na balat ng kalamansi.
  • Langisan sa magkabilang panig ang bakal na hulmahan ng barkilyos (barkilyera) at painitin sa katamtamang init ng apoy.
  • Hulugan ng isang kutsarang tinimplang harina ang gitna ng mainit na bakal, paglapatin ang bakal na malapad.
  • Painitin ang bakal sa magkabilang panig para mamula-mula ang apa.
  • Gumamit ng nilangisang kahoy na hugis apa para hulmahin ang barkilyos samantalang mainit pa at malambot.

barkilyos = barquillos
barkilyera = barquillera

This barquillos recipe will be translated into English after the website upgrade.

Photos will be added as well. Please check back soon! Thank you ~

Tagged with:    

Related Articles

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz