@FilipinoFood on Twitter since 2008       

Hamón

From the Spanish jamón, meaning “ham.”


 

Tinustang Hamón

 
Bumili ng hamon at saka ibabad sa tubig nang magdamag. Pagkaumaga ay ilaga sa tubig na may dalawang oras upang lumambot na mabuti.

Pagkatapos ay hanguin at saka ilagay sa hulmahan at ilagay sa loob ng hurno na mainit at lutuin doon ng dalawang oras uli.

Parating basain ng katas ng dayap at katas ng naranjita. Dalawang kutsarang katas ang gamitin sa tuwing magbabasa ng hamon

Kung mapula na ay alisin ang matigas na balat at lagyan ng pasta na ginawa sa harina.

Magpainit ng siyanse na ididiit sa taba ng hamon. Ulitin ito hanggang matusta ang baboy sa likod.

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of